Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Ito ang sinasabi ni Yahweh. “Sundin kung ano ang tama, gawin kung ano ang makatarungan; dahil malapit na ang aking pagliligtas, at ang aking katuwiran ay ibubunyag na.
6Gayon din ang mga dayuhan na umanib kay Yahweh, para maglingkod sa kanya, at nagmamahal sa pangalan ni Yahweh, para sambahin siya, lahat na tumutupad sa Araw ng Pamamahinga at mga nag-iingat na dungisan ito, at mahigpit na pinanghahawakan ang aking tipan,
7dadalhin ko ang mga ito sa aking banal na bundok at gagawin ko silang maligaya sa aking bahay-dalanginan; ang kanilang mga handog na susunugin at kanilang mga alay ay tatanggapin sa aking altar. Dahil ang aking tahanan ay tatawagin na bahay dalanginan para sa lahat ng mga bansa,
2nang sa gayon ang iyong mga pamamaraan ay maihayag sa lupa, ang iyong kaligtasan sa lahat ng mga bansa.
3Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaan mong purihin ka ng lahat.
5Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaang mong purihin ka ng lahat.
6Pinalago ng lupa ang ani nito at ang Diyos, ang ating Diyos, ang nagpala sa atin.
7Pinagpala tayo ng Diyos, at pinararangalan siya sa lahat ng sulok ng mundo.
13At ngayon kinakausap ko kayong mga Gentil. Habang ako ay isang apostol sa mga Gentil, ipinagmamalaki ko ang aking ministeryo.
14Marahil mainggit ko sila na aking kalaman. Marahil maliligtas natin ang ilan sa kanila.
15Sapagkat kung ang pagkatakwil sa kanila ay ang pakikipagkasundo ng mundo, ano ang magiging pagtanggap sa kanila kundi buhay mula sa mga patay?
29Sapagkat ang mga kaloob at ang tawag ng Diyos ay hindi mababago.
30Sapagkat kayo ay dating hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon kayo ay nakatanggap ng awa dahil sa kanilang hindi pagsunod.
31Gayon din naman, ngayon ang mga Judiong ito ay naging suwail. Ang kinahinatnan nito, sa pamamagitan ng awa na ipinakita sa inyo, makatatanggap din sila ngayon ng awa.
32Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat.
21Pagkatapos, umalis si Jesus mula roon at pumunta patungo sa mga rehiyon sa lungsod ng Tiro at Sidon.
22Masdan ito, may isang Cananeang babae ang lumabas galing sa rehiyon na iyon. Sumigaw siya at sinabing, “Kahabangan mo ako, Panginoon, anak ni David; ang aking anak na babae ay lubhang pinapahirapan ng isang demonyo.
23Ngunit hindi siya sinagot ni Jesus kahit isang salita. Lumapit ang kaniyang mga alagad at nagmakaawa sa kaniya, sinabi, “Paalisin ninyo siya sapagkat sumisigaw siyang sumusunod sa atin.”
24Subalit sumagot si Jesus at sinabi, “Hindi ako sinugo sa kaninuman maliban sa mga tupang naliligaw sa tahanan ng Israel.”
25Ngunit lumapit at lumuhod ang babae sa kaniyang harapan, na nagsasabi, “Panginoon, tulungan mo ako.”
26Sumagot siya at sinabi, “Hindi tama na kunin ang tinapay ng mga anak at ihagis sa mga tuta.”
27Sinabi niya, “Oo nga, Panginoon, ngunit kahit ang mga tuta ay kinakain ang mga katiting na tinapay na nahulog mula sa kainan ng kanilang mga amo.
28Pagkatapos, sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya. Mangyari sa iyo ayon sa iyong hinihiling.” At gumaling ang kaniyang anak na babae sa oras na iyon.