Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1At dumating ang salita ni Yahweh sa akin at sinabi,
2“Anak ng tao, ipaalam mo sa Jerusalem ang tungkol sa kaniyang mga gawang kasuklam-suklam,
3at ipahayag, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa Jerusalem: Nangyari ang iyong pasimula at kapanganakan sa lupain ng Canaan; isang Amoreo ang iyong ama at isang Heteo ang iyong ina.
4Sa araw ng iyong kapanganakan, hindi pinutol ng iyong ina ang iyong pusod, ni hindi ka niya nilinisan sa tubig o kinuskos ng asin o binalot ng tela.
5Walang matang nahabag sa iyo upang gawin sa iyo ang alinman sa mga bagay na ito, ang mahabag sa iyo! Sa araw na ipinanganak ka, habang naliligo sa sarili mong dugo, mayroong nasuklam sa iyong buhay, itinapon ka sa isang malawak na kaparangan.
6Ngunit nadaanan kita at nakita kitang naliligo sa iyong sariling dugo, kaya sinabi ko sa iyo habang duguan, “Mabuhay ka!”
7Pinalaki kitang katulad ng isang halaman sa isang kaparangan. Dumami ka at naging tanyag, at napalamutian ng mga hiyas. Namuo ang iyong dibdib at kumapal ang iyong buhok, ngunit ikaw ay hubo't hubad parin.
8Nadaanan kitang muli, at nakita kita at tingnan mo! Dumating na sa iyo ang oras ng pag-ibig kaya sinuotan kita ng balabal at tinakpan ang iyong kahubaran. Pagkatapos, nangako ako sa iyo at dinala kita sa isang kasunduan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at ikaw ay naging akin.
9Kaya hinugasan kita ng tubig at binanlawan ko ang iyong dugo mula sa iyo, at pinahiran kita ng langis.
10Dinamitan kita ng mga naburdahang damit at nilagyan ng balat na sandalyas ang iyong paa, binalot kita ng pinong lino at tinakpan ng sedang damit.
11Ang sumunod, pinalamutian kita ng mga alahas at nilagyan ko ng pulseras ang iyong mga kamay at kuwintas sa iyong leeg.
12Nilagyan ko ng hikaw ang iyong ilong at tainga at isang magandang korona sa iyong ulo.
13Kaya napalamutian ka ng ginto at pilak at nadamitan ka ng pinong lino, sedang damit at mga binurdahang damit; kumain ka ng pinakamainam na harina, pulot-pukyutan, at langis, at napakaganda mo, at ikaw ay naging isang reyna.
14Lumaganap ang iyong katanyagan sa mga bansa dahil sa iyong kagandahan, sapagkat ito ay ganap sa karangyaang ibinigay ko sa iyo—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
15Ngunit nagtiwala ka sa iyong sariling kagandahan, at kumilos kang tulad ng mga babaeng bayaran dahil sa iyong katanyagan; ibinuhos mo ang iyong gawaing kahalayan sa sinumang dumaraan. Naging pag-aari ka ng mga kalalakihang iyon!
60Ngunit aalalahanin ko sa aking isipan ang ginawa kong kasunduan sa iyo noong bata ka pa, at gagawa ako sa iyo ng isang kasunduang walang hanggan.
63Dahil sa mga bagay na ito, maaalala mo ang lahat ng bagay sa iyong isipan at mapapahiya ka, kaya hindi mo na muling maibubuka ang iyong bibig upang magsalita dahil sa iyong kahihiyan, kapag pinatawad na kita sa lahat ng iyong ginawa—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
2Tingnan ninyo, ang Diyos ang aming kaligtasan; magtitiwala kami at hindi matatakot, dahil si Yahweh, oo, si Yahweh ang aming kalakasan at awitin. Siya ang aming naging kaligtasan.”
3Masaya kayong kukuha ng tubig mula sa mga balon ng kaligtasan.
4Sa araw na iyon, inyong sasabihin, “Magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at tumawag sa kaniyang pangalan; sabihin ang kaniyang mga ginawa sa kalagitnaan ng mga tao, ihayag ang dakila niyang pangalan.
5Umawit kay Yahweh, dahil gumawa siya ng mga dakilang bagay; ipaalam ito sa buong mundo.
6Umiyak nang malakas at sumigaw sa tuwa, kayong mga naninirahan sa Sion, dahil nasa inyong kalagitnaan ang Banal na Diyos ng Israel.”
3Pumunta sa kaniya ang mga Pariseo upang subukin siya na nagsasabi, “Pinahihintulutan ba sa batas na hihiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa sa anumang kadahilanan?”
4Si Jesus ay sumagot at nagsabi, “Hindi ba ninyo nabasa, na ang gumawa sa kanila sa simula pa lamang ay ginawa silang lalaki at babae?
5At sinabi rin niyang, 'Sa ganitong dahilan iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makiisa sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging iisang laman?'
6Kaya nga sila ay hindi na dalawa, kundi iisang laman. Samakatwid ang ano mang pinagsama ng Diyos ay walang sinumang makapaghihiwalay.”
7Sinabi nila sa kaniya, “Bakit noon ay inutusan tayo ni Moises na gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay at paalisin na siya?”
8Sinabi niya sa kanila, “Dahil sa katigasan ng inyong puso ay pinayagan ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong mga asawa, subalit mula sa simula hindi gayon.
9Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang makikipaghiwalay sa kaniyang asawa, maliban sa sekwal na imoralidad, at mag-aasawa ng iba, ay nangangalunya. At ang lalaki na magpapakasal sa hiniwalayan na babae ay nakagawa ng pangangalunya.”
10Sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Kung ganyan ang kalagayan ng lalaki sa kaniyang asawa, mabuti pang hindi na mag-aasawa.”
11Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi lahat ay tatanggap sa aral na ito, kundi sila lamang na pinahihintulutan na tanggapin ito.
12Sapagkat mayroong mga eunuko na ipinanganak sa sinapupunan ng kanilang ina. At may mga eunoko na ginawang eunuko ng mga tao. At may mga eunuko na ginawa nilang mga eunuko ang kanilang sarili alang-alang sa kaharian ng langit. Siya na kayang tumanggap sa aral na ito, tanggapin niya ito.