Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2“Anak ng tao, naninirahan ka sa kalagitnaan ng mapanghimagsik na sambahayan kung saan may mga mata sila upang makakita ngunit hindi sila nakakakita at kung saan may mga tainga sila upang makarinig ngunit hindi nakikinig dahil mapanghimagsik sila na sambahayan!
3Kaya ikaw, anak ng tao, ihanda mo ang iyong mga gamit para sa pagkakapatapon at simulan mong umalis sa umaga sa kanilang mga paningin, sapagkat sa kanilang mga paningin, ipapatapon kita mula sa iyong lugar patungo sa isa pang lugar. Marahil masisimulan nilang makita kahit pa mapanghimagsik sila na sambahayan.
4At ilalabas mo sa umaga ang iyong mga gamit para sa pagkakatapon sa kanilang mga paningin, lumabas ka sa gabi sa kanilang mga paningin sa paraan kung paano maipapatapon ang sinuman.
5Maghukay ka ng isang butas sa pader sa kanilang mga paningin at lumabas ka sa pamamagitan nito.
6Sa kanilang mga paningin, pasanin mo ang iyong mga gamit sa iyong balikat at ilabas ang mga ito sa kadiliman. Takpan mo ang iyong mukha sapagkat hindi mo dapat makita ang lupain, yamang itinalaga kita bilang isang tanda sa sambahayan ng Israel.”
7Kaya ginawa ko ito gaya ng inutos sa akin. Inilabas ko ang aking mga gamit ng pagkakatapon sa umaga at sa gabi naghukay ako ng butas sa pader gamit ang aking kamay. Inilabas ko sa kadiliman ang aking mga gamit at pinasan ko ang mga ito sa aking balikat sa kanilang mga paningin.
8At noong madaling araw, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
9“Anak ng tao, hindi ba nagtatanong sa iyo ang sambahayan ng Israel, ang mapanghimagsik na sambahayang iyon kung, 'Ano ang iyong ginagawa?'
10Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: para sa prinsipe ng Jerusalem ang gawain ng pagpapahayag na ito at sa lahat ng sambahayan ng Israel na kinalalakipan nila.'
11Sabihin mo, 'Isa akong tanda sa inyo. Tulad ng aking ginawa, gayundin ang mangyayari sa kanila, maipapatapon sila at malalagay sa pagkabihag.
12Papasanin ng kasama nilang prinsipe sa kaniyang mga balikat ang kaniyang mga gamit sa kadiliman at lalabas sa pamamagitan ng pader. Maghuhukay sila sa pader at ilalabas ang kanilang mga gamit. Tatakpan niya ang kaniyang mukha upang hindi niya makita ang lupain gamit ang kaniyang mga mata.'
56Pero hinamon at sumuway sila sa Kataas-taasang Diyos at hindi sinunod ang kaniyang banal na mga kautusan.
57Hindi sila tapat at kumilos sila nang may kataksilan gaya ng kanilang mga ama; hindi sila maaasahan tulad ng isang sirang pana.
58Dahil siya ay ginalit nila sa kanilang paganong mga templo at pinukaw siya na magalit dahil sa kanilang mga diyos-diyosan.
59Nang marinig ito ng Diyos, nagalit siya at lubusang itinakwil ang Israel.
61Hinayaan niyang mahuli ang kaniyang lakas at ibinigay niya ang kaniyang kaluwalhatian sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
62Ibinigay niya ang kaniyang bayan sa mga espada, at nagalit siya sa kaniyang pamana.
21Pagkatapos, lumapit si Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ba na magkakasala ang aking kapatid laban sa akin at akin siyang patatawarin? Hanggang pitong beses?”
22Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ko sasabihin sa inyo na pitong beses, kundi hanggang pitumpung ulit at pito.
23Samakatuwid, ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa isang hari na nais makipagsulit sa kaniyang mga utusan.
24Habang inuumpisahan ang pagsusulit, isang utusan ang dinala sa kaniya na nagkautang ng sampung libong mga talento.
25Ngunit dahil sa wala siyang kakayanan na magbayad, inutusan siya ng kaniyang amo na ipagbili, kasama ng kaniyang asawa at mga anak at lahat na mayroon siya, at nang makabayad.
26Kaya lumuhod ang utusan, yumuko sa kaniyang harapan, at sinabi, 'Amo, pagtiisan mo ako, at babayaran ko ang lahat.'
27Kaya nahabag ang amo sa kaniyang utusan, pinakawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
28Ngunit lumabas ang utusan at nakita ang isa sa kaniyang kapwa utusan na nagkautang sa kaniya ng isang daang denario. Sinunggaban niya ito, sinakal at sinabi, 'Bayaran mo ako sa iyong inutang.'
29Ngunit lumuhod ang kaniyang kapwa utusan at nakiusap sa kaniya na nagsasabi, “Pagtiisan mo ako, at babayaran rin kita.'
30Ngunit tumanggi ang naunang utusan. Sa halip, pumunta siya at itinapon siya sa kulungan, hanggang sa mabayaran niya ang kaniyang inutang.
31Nang makita ng kapwa mga utusan kung ano ang nangyari, labis silang nagdamdam. Pumunta sila sa kanilang amo at sinabi ang lahat ng nangyari.
32Pagkatapos nito, ipinatawag ng amo ang kaniyang utusan, at sinabi sa kaniya, 'Napakasama mong utusan, pinatawad kita sa lahat ng iyong inutang dahil ikaw ay nakiusap sa akin.
33Hindi ba dapat naawa ka din sa iyong kapwa utusan, gaya ng pagkahabag ko sa iyo?
34Nagalit ang kaniyang amo at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang mga inutang.
35Kaya ganoon din ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung ang bawat isa sa inyo ay hindi magpapatawad sa kaniyang kapatid na mula sa kaniyang puso.”
1Nangyari, nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, umalis siya mula sa Galilea at nakarating sa hangganan ng Judea lampas pa ng Ilog Jordan.