Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Pagkatapos, narinig ko siyang umiyak ng may malakas na tinig, at sinabi, “Hayaan ninyong umakyat ang mga bantay sa lungsod, may pangwasak na sandata ang bawat isa sa kaniyang kamay.”
2At masdan! Dumating ang anim na lalaki mula sa daanan ng itaas na tarangkahan na nakaharap sa hilaga, may pangpatay na sandata ang bawat isa sa kaniyang kamay. At mayroong isang lalaki sa kanilang kalagitnaan na nakasuot ng lino na may kasamang kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran. Kaya pumasok sila at tumayo sa tabi ng altar na tanso.
3At umakyat ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel mula sa kerubin na nasa bungad ng pintuan ng tahanan. At tinawag niya ang lalaking nakasuot ng lino na may kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran.
4Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Dumaan ka sa kalagitnaan ng lungsod, ang kalagitnaan ng Jerusalem, at gumawa ng isang palatandaan sa mga noo ng mga lalaking naghihinagpis at nagbubuntong-hininga tungkol sa lahat ng mga kasuklam-suklam na naganap sa kalagitnaan ng lungsod.”
5Pagkatapos, narinig ko siyang nagsalita sa iba, “Dumaan kayo sa lungsod na kasunod niya at pumatay! Huwag ninyong hayaang magkaroon ng awa ang inyong mga mata, at huwag mahabag
6maski alin sa matatanda, binata, dalaga, maliliit na mga bata o kababaihan. Patayin ninyo silang lahat! Ngunit huwag ninyong lapitan ang sinumang lalaki na may palatandaan sa kaniyang ulo. Magsimula kayo sa aking santuwaryo!” Kaya sinimulan nila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.
7Sinabi niya sa kanila, “Dungisan ninyo ang bahay, at punuin ang mga patyo nito ng mga patay. Magpatuloy kayo!” Kaya lumabas sila at sinalakay ang lungsod.
18At umalis ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa ibabaw ng bungad ng pintuan ng bahay at tumayo sa ibabaw ng kerubin.
19Itinaas ng kerubin ang kanilang mga pakpak at pumaitaas mula sa lupa sa aking paningin nang sila ay lumabas, at ganoon din ang ginawa ng mga gulong sa kanilang tabi. Tumayo sila sa silanganang pasukan sa tahanan ni Yahweh, at ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay dumating sa kanila mula sa itaas.
20Ito ang mga nabubuhay na nilalang na nakita ko sa ibaba ng Diyos ng Israel sa kanal Kebar, kaya alam kong mga kerubin sila!
21Mayroon silang apat na mukha bawat isa at apat na mga pakpak, at ang pagkakahawig ng mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak;
22at ang pagkakahawig ng kanilang mga mukha ay tulad ng mga mukha na nakita ko sa pangitain sa kanal Kebar, at naunang pumaroon ng tuwiran ang bawat isa sa kanila.
1Purihin si Yahweh. Purihin siya, kayong mga lingkod ni Yahweh; purihin ang pangalan ni Yahweh.
2Pagpalain ang pangalan ni Yahweh, ngayon at magpakailanman.
3Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, ang pangalan ni Yahweh ay dapat papurihan.
4Itataas sa lahat ng mga bansa si Yahweh, at umaabot hanggang kalangitan ang kaniyang kaluwalhatian.
5Sino ang katulad ni Yahweh ang ating Diyos, na nakaupo sa kataas-taasan,
6na nakatingin sa langit at sa lupa?
15Kung ang iyong kapatid ay nagkasala laban sa iyo, pumuntahan mo, ipakita mo ang kaniyang pagkakamali na ikaw at siya lamang. Kung makikinig siya sa iyo, mapapanumbalik mo ang iyong kapatid.
16Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, isama mo sa iyo ang isa o dalawa pang mga kapatid, upang sa pamamamagitan ng bibig ng dalawa o tatlong mga saksi ang bawat salita ay maaaring mapatunayan.
17At kung tumanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa iglesiya. Kung siya ay tumanggi na makinig sa iglesiya, ituring ninyo siyang gaya ng isang Gentil at maniningil ng buwis.
18Totoo itong sinasabi ko sa inyo, anumang mga bagay ang igapos ninyo sa lupa ay igagapos din sa langit. At anumang mga bagay ang inyong kalagan sa lupa ay kakalagan din sa langit.
19Dagdag pa nito, sinasabi ko sa inyo, na kung ang dalawa sa inyo ay sumang-ayon sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling, mangyayari ito sa kanila sa pamamagitan ng aking Amang nasa langit.
20Sapagkat kung saan ang dalawa o tatlo ang nagkatipon dahil sa aking pangalan, naroon ako sa kanilang kalagitnaan.”