Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
8Ngunit ikaw, anak ng tao, makinig ka sa sinasabi ko sa iyo. Huwag kang maging suwail tulad ng suwail na sambahayang iyon. Buksan mo ang iyong bibig at kainin ang ibibigay ko sa iyo!”
9Pagkatapos, tumingin ako at isang kamay ang nag-abot sa akin, dito ay may kasulatang binalumbon.
10Inilatag niya ito sa aking harapan, nasulatan ang harap at ang likod nito, at mga panaghoy, pagluluksa, at kapighatian ang nakasulat dito.
1Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, kainin mo kung ano ang natagpuan mo! Kainin mo itong kasulatang binalumbon, pagkatapos ay humayo sa sambahayan ng Israel at magsalita.”
2Kaya ibinuka ko ang aking bibig, at ipinakain niya sa akin ang kasulatang binalumbon.
3Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, pakainin mo ang iyong sikmura at busugin ang iyong tiyan sa pamamagitan ng kasulatang binalumbong ito na ibinigay ko sa iyo!” Kaya kinain ko ito, at ito ay kasintamis ng pulot-pukyutan sa aking bibig.
4Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, pumunta ka sa sambahayan ng Israel at sabihin sa kanila ang aking mga salita.
14Nagagalak ako sa paglakad sa mga utos mo sa tipan higit pa sa lahat ng kayamanan.
24Ang mga utos mo sa tipan ang kasiyahan ko, at ito ang aking mga tagapayo. DALETH
72Mas mahalaga ang mga tagubilin mula sa iyong bibig kaysa sa libo-libong piraso ng ginto at pilak. YOD
103Napakatamis sa aking panlasa ang iyong mga salita, oo, mas matamis kaysa sa pulot sa aking bibig!
111Inaangkin ko ang mga utos mo sa tipan bilang aking mana magpakailanman, dahil ito ang kagalakan ng aking puso.
131Binubuksan ko ang aking bibig at humihingal dahil nananabik ako para sa mga kautusan mo.
1Sa oras ding iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at sinabi, “ Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?”
2Tinawag ni Jesus ang isang bata sa kaniya, at inilagay niya sa kanilang kalagitnaan,
3at sinabi, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, maliban na lamang kung kayo ay magsisi at maging katulad ng mga maliliit na bata, hindi talaga kayo makapapasok sa kaharian ng langit.
4Kaya kung sinuman ang nagpapakumbaba sa kaniyang sarili katulad ng maliit na batang ito, ang taong iyon ang pinakadakila sa kaharian ng langit.
5At sinumang tumatanggap sa katulad ng maliit na batang ito alang-alang sa aking pangalan ay tinatanggap ako.
10Tingnan ninyo na huwag ninyong hahamakin kahit na isa sa mga maliliit na bata. Sapagkat sasabihin ko sa inyo na sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nakatingin sa mukha ng aking Amang nasa langit. (
12Ano sa palagay ninyo? Kung may isang taong mayroong isandaang tupa, at ang isa ay naligaw, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa burol at maghahanap sa isang naliligaw?
13At kung matagpuan niya ito, totoo itong sinasabi ko sa inyo, ikagagalak niya ito higit sa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
14Sa gayon ding paraan, hindi ito ang kalooban ng inyong Ama na nasa langit na ang isa sa mga maliliit na batang ito ay mapahamak.