Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
9Nagpunta siya sa kuweba doon at nanatili roon. Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Ano ang ginagawa mo dito Elias?”
11Sumagot si Yahweh, “Lumabas ka at tumayo sa bundok sa aking harapan.” Pagkatapos dumaan si Yahweh, at isang napakalakas na hangin ang humampas sa mga bundok at pinagpira-piraso ang mga bato sa harapan ni Yahweh, pero si Yahweh ay wala sa hangin. Pagkatapos ng malakas na hangin, isang lindol ang dumating, pero wala si Yahweh sa lindol.
12Pagkatapos ng lindol isang apoy ang dumating, pero si Yahweh ay wala sa apoy. Pagkatapos ng apoy, isang maliit na boses ang dumating.
13Nang marinig ni Elias ang boses, binalot niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, lumabas, at tumayo sa pasukan ng kuweba. Pagkatapos isang boses ang dumating sa kaniya na nagsabing, “Ano ang ginagawa mo dito Elias?”
9Tiyak na ang kaniyang kaligtasan ay malapit sa mga may takot sa kaniya, kaya ang kaluwalhatian ay mananatili sa ating lupain.
10Ang katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ay nagkatagpo, ang katuwiran at kapayapaan ay hinalikan ang isa't isa.
11Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay uusbong mula sa lupa, at ang tagumpay ay dudungaw mula sa langit.
12Oo, si Yahweh ay magbibigay ng kaniyang mabubuting pagpapala, at mamumunga ang mga pananim sa ating lupain.
13Pangungunahan siya ng katuwiran at gagawa ng daan para sa kaniyang mga yapak.
1Sinasabi ko ang katotohanan sa pamamagitan ni Cristo. Hindi ako nagsisinungaling, at kasamang nagpapatunay ang aking konsiyensya sa Banal na Espiritu,
2na sa akin ay may labis na kalungkutan at walang tigil na kirot sa aking puso.
3Sapagkat nanaisin kong ako na lamang ang maisumpa at maihiwalay kay Cristo para sa kapakanan ng aking mga kapatid, silang aking mga kalahi ayon sa laman.
4Sila ay mga Israelita. Nasa kanila ang pagkupkop, ang kaluwalhatian, ang mga kasunduan, ang kaloob ng batas, ang pagsamba sa Diyos, at ang mga pangako.
5Sa kanilang mga ninuno nagmula si Cristo ayon sa laman—na siyang Diyos sa lahat. Nawa purihin siya magpakailanman. Amen.
22Kaagad na pinasakay niya ang mga alagad sa bangka upang mauna silang tumungo sa kabilang dako, habang pina-uuwi niya ang mga tao.
23Pagkatapos niyang mapauwi ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok upang manalangin. Nang lumalim na ang gabi, mag-isa lamang siya roon.
24Ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat, halos hindi na ito mapigilan dahil sa mga alon, sapagkat pasalubong ang hangin.
25Nang madaling araw na, nilapitan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat.
26Nang makita siya ng kaniyang mga alagad na naglalakad sa dagat, natakot sila at sinabi, “Multo,” at sila ay nagsigawan sa takot.
27Ngunit agad nagsalita si Jesus sa kanila at sinabi, “Magpakatapang kayo! Ako ito! Huwag kayong matakot.”
28Sumagot si Pedro sa kaniya at sinabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa tubig.”
29Sinabi ni Jesus, “Halika.” Kaya bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa tubig papunta kay Jesus.
30Ngunit nang napansin ni Pedro ang hangin, siya ay natakot. Habang siya ay nagsimulang lumubog, sumigaw siya at sinabi, “Panginoon, iligtas mo ako!”
31Kaagad iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at inabot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Ikaw na may maliit na pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”
32At nang sumakay si Jesus at Pedro sa bangka, huminto ang hangin sa pag-ihip.
33At ang mga alagad sa bangka ay sumamba kay Jesus at sinabi, “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”