Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1“Sa panahong iyon—ito ang pahayag ni Yahweh— Ako ang magiging Diyos ng lahat ng mga angkan ng Israel at sila ay magiging mga tao ko.”
2Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang mga tao na nakaligtas sa dumating na pagpatay sa Israel sa pamamagitan ng espada ay nakasumpong ng biyaya sa ilang.”
3Nagpakita sa akin si Yahweh noong nakaraan at sinabi, “Minahal kita Israel, ng walang hanggang pagmamahal. Kaya inilapit kita sa aking sarili na may matapat na kasunduan.
4Itatayo kitang muli, upang sa gayon ikaw ay makatatayo, birheng Israel. Maaari mong damputin muli ang iyong mga tamburin at lumabas nang may mga masasayang sayaw.
5Muli kayong makapagtatanim ng mga ubasan sa kabundukan ng Samaria; magtatanim ang mga magsasaka at gagamitin ang mga bunga sa mabuti.
6Sapagkat darating ang araw kapag ipinahayag ng taga-bantay sa kabundukan ng Efraim, 'Tumindig kayo at pumunta tayo sa Sion kay Yahweh na ating Diyos.”'
7Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Sumigaw sa galak para kay Jacob! Sumigaw ng may kagalakan para sa pinuno ng mga tao sa mga bansa!. Hayaang marinig ang papuri. Sabihing, 'Iniligtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ang natitira ng Israel.'
10“ Dinggin ninyo mga bansa ang salita ni Yahweh. Ibalita sa mga baybayin na nasa kalayuan. Kayong mga bansa, dapat ninyong sabihin, “Ang nagkalat sa Israel ang nagtitipon at nag-iingat sa kaniya kagaya ng pag-iingat ng isang pastol sa kaniyang tupa”
11Sapagkat tinubos ni Yahweh si Jacob at iniligtas siya sa kamay ng napakalakas para sa kaniya.
12Pagkatapos, darating sila sa taas ng Sion na may galak. Magagalak sila dahil sa kabutihan ni Yahweh, dahil sa mais at sa bagong alak, sa langis at sa anak ng mga kawan at mga inahin. Sapagkat ang kanilang pamumuhay ay magiging katulad ng isang dinidiligang hardin at hindi na sila muling makakaramdam ng anumang kalungkutan
13At sasayaw nang may galak ang mga birhen at mga binata at mga matatandang kalalakihan. Sapagkat papalitan ko ang kanilang pagdadalamhati ng pagdiriwang. Kahahabagan ko sila at magagalak sa halip na nagluluksa.
21Pagkatapos, umalis si Jesus mula roon at pumunta patungo sa mga rehiyon sa lungsod ng Tiro at Sidon.
22Masdan ito, may isang Cananeang babae ang lumabas galing sa rehiyon na iyon. Sumigaw siya at sinabing, “Kahabangan mo ako, Panginoon, anak ni David; ang aking anak na babae ay lubhang pinapahirapan ng isang demonyo.
23Ngunit hindi siya sinagot ni Jesus kahit isang salita. Lumapit ang kaniyang mga alagad at nagmakaawa sa kaniya, sinabi, “Paalisin ninyo siya sapagkat sumisigaw siyang sumusunod sa atin.”
24Subalit sumagot si Jesus at sinabi, “Hindi ako sinugo sa kaninuman maliban sa mga tupang naliligaw sa tahanan ng Israel.”
25Ngunit lumapit at lumuhod ang babae sa kaniyang harapan, na nagsasabi, “Panginoon, tulungan mo ako.”
26Sumagot siya at sinabi, “Hindi tama na kunin ang tinapay ng mga anak at ihagis sa mga tuta.”
27Sinabi niya, “Oo nga, Panginoon, ngunit kahit ang mga tuta ay kinakain ang mga katiting na tinapay na nahulog mula sa kainan ng kanilang mga amo.
28Pagkatapos, sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Babae, napakalaki ng iyong pananampalataya. Mangyari sa iyo ayon sa iyong hinihiling.” At gumaling ang kaniyang anak na babae sa oras na iyon.