Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Yahweh at sinabi,
2“Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Isulat mo mismo sa kasulatang binalumbon ang lahat ng salita na ipinahayag ko sa iyo sa kasulatang binalonbon.
12Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Ang iyong pinsala ay hindi na magagamot at ang iyong mga sugat ay naimpeksiyon na.
13Walang sinuman ang nakiusap tungkol sa iyong kalagayan; wala ng lunas ang iyong sugat para ikaw ay pagalingin.
14Kinalimutan ka na ng lahat ng iyong mga mangingibig. Hindi ka nila hahanapin sapagkat sinugatan kita kagaya ng sugat ng isang kalaban at pagdidisiplina ng isang malupit na panginoon dahil sa iyong napakaraming kasamaan at mga hindi mabilang mong mga kasalanan.
15Bakit ka humihingi ng tulong para iyong pinsala? Hindi na magagamot ang iyong sakit. Dahil sa napakarami mong kasamaan at hindi mabilang mong mga kasalanan, ginawa ko ang mga bagay na ito sa iyo.
18Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan mo, ibinabalik ko na ang mga kasaganaan sa mga tolda ni Jacob at magkakaroon ng pagkahabag sa kaniyang mga tahanan. At itatayo ang lungsod sa bunton ng mga pagkawasak at magkakaroon ng isang matibay na tanggulan na muling magagamit.
19At ang isang awit ng papuri at isang tunog ng kasiyahan ay lalabas mula sa kanila, sapagkat pararamihin ko sila at hindi babawasan; Pararangalan ko sila upang hindi sila hamakin.
20At magiging tulad ng dati ang kanilang mga tao at itatatag ang kanilang kalipunan sa aking harapan kapag pinarusahan ko ang lahat ng mga nagpapahirap sa kanila ngayon.
21Manggagaling mula sa kanila ang kanilang pinuno. Lilitaw siya mula sa kanilang kalagitnaan kapag palalapitin ko siya at kapag lumapit siya sa akin. Kung hindi ko ito gagawin, sino pa ang maglalakas-loob na lumapit sa akin? Ito ang pahayag ni Yahweh.
22At kayo ay magiging aking mga tao at ako ang magiging Diyos ninyo.
16Muling itatayo ni Yahweh ang Sion at makikita sa kanyang kaluwalhatian.
17Sa oras na iyon, tutugon siya sa panalangin ng dukha; hindi niya tatanggihan ang kanilang panalangin.
18Ito ay masusulat para sa mga darating na salinlahi, at pupurihin si Yahweh ng isang bayan na hindi pa ipinapanganak.
19Dahil tumingin siya pababa mula sa kanyang banal na kaitaasan; mula sa langit tiningnan ni Yahweh ang daigdig,
20para dinggin ang pagdaing ng mga bilanggo, para palayain ang mga nahatulan ng kamatayan.
21Pagkatapos ihahayag ng mga tao ang pangalan ni Yahweh sa Sion at ang kanyang papuri sa Jerusalem
28Patuloy na mabubuhay ang mga anak ng iyong mga lingkod, at ang kanilang mga kaapu-apuhan ay mabubuhay sa iyong presensya.
22sa panahon na ang mga tao at mga kaharian ay magtitipon para paglingkuran si Yahweh.
23Inalis niya ang aking kalakasan sa kalagitnaan ng aking buhay. Pinaikli niya ang aking mga araw.
22Kaagad na pinasakay niya ang mga alagad sa bangka upang mauna silang tumungo sa kabilang dako, habang pina-uuwi niya ang mga tao.
23Pagkatapos niyang mapauwi ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok upang manalangin. Nang lumalim na ang gabi, mag-isa lamang siya roon.
24Ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat, halos hindi na ito mapigilan dahil sa mga alon, sapagkat pasalubong ang hangin.
25Nang madaling araw na, nilapitan sila ni Jesus na naglalakad sa dagat.
26Nang makita siya ng kaniyang mga alagad na naglalakad sa dagat, natakot sila at sinabi, “Multo,” at sila ay nagsigawan sa takot.
27Ngunit agad nagsalita si Jesus sa kanila at sinabi, “Magpakatapang kayo! Ako ito! Huwag kayong matakot.”
28Sumagot si Pedro sa kaniya at sinabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa tubig.”
29Sinabi ni Jesus, “Halika.” Kaya bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa tubig papunta kay Jesus.
30Ngunit nang napansin ni Pedro ang hangin, siya ay natakot. Habang siya ay nagsimulang lumubog, sumigaw siya at sinabi, “Panginoon, iligtas mo ako!”
31Kaagad iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at inabot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Ikaw na may maliit na pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”
32At nang sumakay si Jesus at Pedro sa bangka, huminto ang hangin sa pag-ihip.
33At ang mga alagad sa bangka ay sumamba kay Jesus at sinabi, “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”
34Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genasaret.
35Nang nakilala si Jesus ng mga taong tagaroon, ipinamalita nila saan mang lugar sa palibotlibot at dinala nila sa kaniya ang bawat isa na may sakit.
36Nagmakaawa sila sa kaniya na kung maaari ay mahawakan nila ang laylayan ng kaniyang kasuotan, at lahat ng humawak dito ay gumaling.