Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
14Patnubayan mo ang iyong mga tao gamit ang iyong tungkod, ang kawan ng iyong mana. Kahit na sila ay namumuhay mag-isa sa kagubatan ng Bundok ng Carmelo, pakainin mo sila sa Basan at Galaad na gaya noong mga unang araw.
15Gaya noong araw nang inilabas mo sila sa lupain ng Egipto. Sinabi ni Yahweh, “Magpapakita ako sa kanila ng mga kamangha-manghang mga bagay.”
18Sino ang Diyos na gaya mo, ikaw na nag-aalis ng kasalanan, ikaw na pinapalagpas ang mga pagkakasala ng mga natira ng iyong mana? Hindi mo pinapanatili ang iyong galit magpakailanman, dahil gustong-gusto mong ipakita sa amin ang iyong kasunduan ng katapatan.
19Magkakaroon ka muli ng kahabagan sa amin. Tatapakan mo ang aming kasalanan at itatapon mo ang lahat ng aming kasalanan sa kailaliman ng dagat.
20Ibibigay mo ang katotohanan kay Jacob at ang kasunduan ng katapatan kay Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga ninuno noong unang mga araw.
2Pinatawad mo ang kasalanan ng iyong mamamayan; tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan. Selah
3Binawi mo ang lahat ng iyong poot; tumalikod ka mula sa iyong galit.
4Panumbalik mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, at bitawan ang iyong inis sa amin.
5Magagalit ka ba sa amin magpakailanman? Mananatili ka bang galit hanggang sa mga salinlahi sa hinaharap?
6Hindi mo ba kami bubuhaying muli? Pagkatapos ang iyong bayan ay magagalak sa iyo.
7Ipakita mo sa amin ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.
8Makikinig ako sa sasabihin ni Yahweh na Diyos, dahil siya ay makikipag-ayos sa kaniyang bayan, ang kaniyang matapat na tagasunod. Pero hindi sila dapat bumalik sa hangal na pamamaraan.
46Habang nagsasalita pa si Jesus sa napakaraming tao, masdan ito, ang kaniyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, hinahanap siya upang kausapin.
47May nagsabi sa kaniya, “Tingnan mo, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas, hinahanap ka upang makausap.”
48Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Sino ang aking ina? At sino ang aking mga kapatid?”
49Pagkatapos iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Tingnan ninyo, nandito ang aking ina at ang aking mga kapatid!
50Sapagkat ang sinumang gumagawa sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit, ang taong iyon ay aking kapatid at ina.”