Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Ngayon makinig kayo kung ano ang sinasabi ni Yahweh. Sinabi ni Mikas sa kaniya, “Tumayo ka at sabihin ang iyong paratang sa harap ng mga bundok, hayaang mapakinggan ng mga burol ang iyong tinig.
2Makinig sa paratang ni Yahweh, kayong mga bundok at kayong matatag na pundasyon ng mundo. Sapagkat may paratang si Yahweh sa kaniyang mga tao at ipaglalaban niya sa hukuman laban sa Israel.
3Aking mga tao, ano ang nagawa ko sa inyo? Paano ko kayo pinagod? Magpatotoo kayo laban sa akin!
4Sapagkat inilabas ko kayo mula sa lupain ng Egipto at iniligtas ko kayo mula sa tahanan ng pagka-alipin. Pinadala ko si Moises, Aaron at Miriam sa inyo.
6Ano ang aking dadalhin kay Yahweh bilang pagpapakumbaba sa kataas-taasang Diyos? Pupunta ba ako sa kaniya na may dalang isang taong gulang na mga guyang susunugin upang ialay?
7Malulugod ba si Yahweh sa isang libong lalaking tupa o kaya sampung libong mga ilog ng langis? Dapat ko bang ibigay ang aking unang anak para sa aking pagsuway, ang bunga ng aking katawan para sa aking sariling kasalanan?
8Sinabi niya sa inyo, tao, kung ano ang mabuti at kung ano ang nais ni Yahweh mula sa iyo: Kumilos ng makatarungan, umibig na may kabaitan at lumakad na may pagpapakumbaba kasama ang inyong Diyos.
5“Tipunin ang mga matatapat sa akin, ang mga nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng pag-aalay.”
6Ipahahayag ng kalangitan ang kaniyang katuwiran, dahil ang Diyos mismo ay hukom. Selah
8Hindi ko kayo susumbatan dahil sa inyong mga alay; ang sinunog ninyong mga handog ay laging nasa aking harapan.
9Wala akong kukuning toro mula sa inyong bahay, o lalaking mga kambing mula sa inyong mga kawan.
16Pero sa mga makasalanan sinasabi ng Diyos, “Ano ang kinalaman mo sa pagpapahayag ng aking mga kautusan, at sinasambit mo ang aking tipan,
17gayong ang aking tagubilin ay inyong kinamumuhian at ang aking mga salita ay inyong itinatapon?
21Ginawa ninyo ang mga bagay na ito, pero nanatili akong tahimik, kaya inisip ninyo na isa lamang akong katulad ninyo. Pero susumbatan ko kayo at ipapakita ko ang lahat ng mga bagay na inyong ginawa.
23Sinumang naghahandog ng alay ng pasasalamat ay nagpupuri sa akin, at sa sinumang nagpaplano ng kaniyang landas sa tamang paraan, ipakikita ko sa kaniya ang pagliligtas ng Diyos.”
38At sumagot ang ilang mga eskriba at Pariseo kay Jesus at sinabi, “Guro, nais naming makakita ng palatandaan mula sa iyo,”
39Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Isang masama at mapangalunyang salinlahi ang naghahanap ng palatandaan. Ngunit walang ibibigay na palatandaan sa kaniya maliban sa palatandaan ni Jonas na propeta.
40Sapagkat gaya ni Jonas na tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng malaking isda, gayundin na ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi na nasa ilalim ng lupa.
41Ang mga tao sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng salinlahing ito at parurusahan ito. Sapagkat sila ay nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Jonas.
42Ang Reyna ng Timog ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao ng salinlahing ito at parurusahan ito. Naglakbay siya mula sa dulo ng mundo upang dinggin ang karunungan ni Solomon, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Solomon.