Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Nang mga araw na iyon, malubhang nagkasakit si Hezekias. Kaya dinalaw siya ni Isaias anak ni Amos, ang propeta, at sinabi sa kaniya, “pinasasabi ni Yahweh, 'Ilagay mo sa ayos ang iyong sambahayan; dahil mamamtay ka na at hindi na mabubuhay.'”
2Pagkatapos humarap sa pader si Hezekias at nanalangin kay Yahweh.
3Kanyang sinabi, “Paki-usap, Yahweh, alalahanin kung paaanong matapat akong namuhay ng buong puso sa iyong harapan at ginawa ko kung ano ang mabuti sa iyong paningin.” At tumangis si Hezekias.
4Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh kay Isaias, sinasabing,
5Magtungo ka at sabihin kay Hezekias, ang lider ng aking bayan, 'Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David inyong ninuno, nagsasabing: narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Tingnan mo, labinlimang taon ang idadagdag ko sa iyong buhay.
6At ililigtas kita at ang lunsod na ito sa kapangyarihan ng hari ng Asiria, at ipagtatanggol ko ang lunsod na ito.
21Ngayon sinabi ni Isaias, “Hayaan silang pumitas ng isang bungkos na igos at itapal sa iyong pigsa, at ikaw ay gagaling.
22Sinabi din ni Hezekias, “Ano ang magiging tanda na ako ay aakyat sa tahanan ng Diyos?”
7At ito ang magiging palatandaan sa iyo mula sa akin, Yahweh, na aking gagawin ang sinabi ko:
8Masdan, paaatrasin ko ng sampung hakbang ang anino ni Ahaz sa hagdan.”' Kaya umatras ng sampung hakbang ang anino sa hagdan na kung saan ito ay nagpauna.
10sinabi ko na sa kalahati ng aking buhay na mapupunta ako sa tarangkahan ng sheol; mananatili ako doon sa nalalabing mga taon ko.
11Sinabi kong hindi ko na makikita pa si Yahweh, nasa lupain ng mga buhay si Yahweh; hindi ko na makikita pa ang sangkatauhan o ang mga naninirahan sa mundo.
12Inalis at tinangay ang aking buhay mula sa akin tulad ng isang tolda ng pastol; binalumbon ko ang aking buhay tulad ng isang manghahabi; tinatabas mo ako mula sa habihan; araw at sa gabi, winawakasan mo ang aking buhay.
16Panginoon, ang mga pagdurusang mula sa iyo ay mabuti sa akin; nawa ay ibalik mo sa akin ang aking buhay; naibalik mo ang aking buhay at kalusugan.
1Nang panahong iyon, sa Araw ng Pamamahinga, napadaan si Jesus sa mga triguhan. Ang kaniyang mga alagad ay nagutom at nag-umpisa silang pumitas ng mga uhay at kinain iyon.
2Ngunit nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus, “Tingnan mo, ang iyong mga alagad ay gumagawa ng labag sa kautusan sa Araw ng Pamamahinga.”
3Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya ay nagutom at pati ang mga lalaking kasama niya?
4Kung paano siya pumasok sa tahanan ng Diyos at kinain ang tinapay na handog, na labag sa kautusan na kainin niya at labag sa kautusan na kainin din ng kaniyang mga kasama, ngunit nararapat lamang sa mga pari?
5At hindi ba ninyo nabasa sa kautusan na sa Araw ng Pamamahinga, ang mga pari sa templo ay nilalapastanganan ang Araw ng Pamamahinga ngunit hindi nagkakasala?
6Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang mas dakila sa templo ay narito.
7At kung alam sana ninyo ang ibig sabihin nito, 'Ang nais ko ay habag at hindi handog,' hindi sana ninyo hinatulan ang walang kasalanan.
8Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”