Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
7Ang daan ng matuwid ay patag, Siyang Matuwid; ginawa mong tuwid ang daan ng mga matuwid.
8Oo, sa paraan ng iyong paghuhukom, Yahweh, kami ay maghihintay para sa iyo; ang iyong pangalan at iyong reputasyon ay aming ninanais.
9Nananabik ako sa iyo sa gabi; oo, ang espiritu sa aking kalooban ay masigasig kang hinahanap. Dahil kapag dumating ang iyong paghuhukom, ang mga naninirahan sa mundo ay malalaman ang tungkol sa katuwiran.
12Yahweh, ikaw ay magbibigay ng kapayaan para sa amin, dahil tunay nga, tinapos mo na ang lahat ng aming mga gawain para sa amin.
16Yahweh, sa kanilang kaguluhan tumingin sila sa iyo; nagsabi rin sila ng mga bulong laban sa masama nang ang iyong pagtutuwid ay nasa kanila.
17Tulad ng isang babaeng buntis na malapit na ang oras ng panganganak, siya ay nasa kirot at sumisigaw sa sakit ng panganganak; kaya kami ay nasa harapan mo, Panginoon.
18Nakapagdalang-tao na kami, Nakapaghilab na kami sa panganganak, pero para bang kami ay nanganak lang ng hangin. Hindi namin nadala sa mundo ang kaligtasan, at ang mga naninirahan sa mundo ay hindi bumagsak.
19Ang iyong patay ay mabubuhay; ang aming mga patay na katawan ay babangon. Ang mga namalagi sa alikabok; gising na at umawit ng may galak dahil ang iyong hamog ay hamog ng halamang damo, at ang mundo ay ibabagsak ang patay, ang mga sisilain.
13Babangon ka at maaawa sa Sion. Panahon na ngayon para kaawaan siya; dumating na ang takdang oras.
14Dahil minamahal ng iyong mga lingkod ang kanyang mga bato at nahahabag sa alikabok ng kanyang pagkawasak.
15Igagalang ng mga bansa ang iyong pangalan, Yahweh, at pararangalan ng lahat ng mga hari sa daigdig ang iyong kaluwalhatian.
16Muling itatayo ni Yahweh ang Sion at makikita sa kanyang kaluwalhatian.
17Sa oras na iyon, tutugon siya sa panalangin ng dukha; hindi niya tatanggihan ang kanilang panalangin.
18Ito ay masusulat para sa mga darating na salinlahi, at pupurihin si Yahweh ng isang bayan na hindi pa ipinapanganak.
19Dahil tumingin siya pababa mula sa kanyang banal na kaitaasan; mula sa langit tiningnan ni Yahweh ang daigdig,
20para dinggin ang pagdaing ng mga bilanggo, para palayain ang mga nahatulan ng kamatayan.
21Pagkatapos ihahayag ng mga tao ang pangalan ni Yahweh sa Sion at ang kanyang papuri sa Jerusalem
28Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.
29Dalhin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako ay mahinahon at may mapagpakumbabang puso at makakamit ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.
30Sapagkat madali ang aking pamatok at ang aking pasanin ay magaan.”