Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
5Anong kapighatian ang nakalaan sa mga taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit, ang pamalo ng aking poot!
6Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.
7Pero hindi ito ang kaniyang intensyon, o hindi niya inisip ang ganitong pamamaraan. Nasa kaniyang puso ang wasakin ang maraming bansa.
13Dahil sinabi niya, “Sa pamamagitan ng aking lakas at katalinuhan kaya ko ito nagawa, at tinanggal ko ang mga hangganan ng mga tao. Ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at tulad ng isang makapangyarihang tao winasak ko silang mga nakaupo sa mga trono.
14Kinuha ng aking kamay, na tila mula sa isang pugad, ang kayamanan ng mga bansa, na parang kumukuha lang ng mga naiwang itlog, ganoon ko kinamkam ang buong mundo. Walang nagpagaspas ng kanilang pakpak o nagbukas sa kanilang bibig para humuni.”
15Makakapagmayabang ba ang palakol sa taong gumagamit nito? Pupurihin ba ng lagari ang kaniyang sarili nang higit pa kaysa sa mamumutol na gumagamit nito? O kaya naman kaya bang iangat ng pamalo ang namamalo o ang pamalo ba ay kayang buhatin ang bumubuhat sa kaniya?
16Kaya magpapadala ng pagkagutom ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa kaniyang mga magigiting na mandirigma, at sa silong ng kaniyang kaluwalhatian ay may nagniningas na apoy.
5Wawasakin nila ang iyong bayan, Yahweh; sinasaktan nila ang bansa na nabibilang sa iyo.
6Pinapatay nila ang balo at ang dayuhan, at pinapaslang nila ang mga ulila.
7Sinasabi nila, “Hindi makikita ni Yahweh, ang Diyos ni Jacob ay hindi mapapansin ito.”
8Unawain ninyo, kayong mangmang; kayong mga hangal, kailan kayo matututo?
9Siya na lumikha ng tainga, hindi ba niya naririnig? Siyang naghulma ng mata, hindi ba siya nakakakita?
10Siya na dumidisiplina ng mga bansa, hindi ba niya tinatama? Siya ang nagbigay ng kaalaman sa tao.
14Dahil hindi iiwanan ni Yahweh ang kaniyang mga tao o pababayaan ang kanyang pag-aari.
15Dahil mananaig ang katarungan; at lahat ng matuwid ay susunod.
25Nang mga oras na iyon sinabi ni Jesus, “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at nakauunawa at iyong inihayag ang mga ito sa mga hindi nakapag-aral, tulad ng mga maliliit na bata.
26Oo, Ama, sapagkat ito ang labis na nakalulugod sa iyong paningin.
27Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.