Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Sa panahon ni Ahaz na anak ni Jotam na anak ni Uzias, ang hari ng Juda, si Rezin ang hari ng Aram, at si Peka anak ni Remalias, ang hari ng Israel, ay umakyat sa Jerusalem para makipagdigma, pero hindi sila nagtagumpay.
2Naibalita sa bahay ni David na nakipagkasundo ang Aram sa Efraim. Kumabog ang dibdib niya pati ng kaniyang bayan, gaya ng mga puno sa gubat na hinahampas ng hangin.
3Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Isaias, “Lumabas ka kasama ng iyong anak na si Sear-Yasub para makipagkita kay Ahaz sa dulo ng daluyan ng paliguan sa taas, sa daan kung saan naroon ang lugar na pinaglalabhan ng mga kababaihan.
4Sabihin mo sa kaniya, 'Mag-ingat ka, at mapanatag, huwag kang matakot at masindak sa dalawang nagbabagang piraso ng mga kahoy na ito at sa nag-aapoy na galit ni Rezin ng Aram, at ni Peka na anak ni Remalias.
5Ang Aram, Efraim at ang anak ni Remalias ay nagplano ng masama laban sa iyo. Sinabi nila,
6“Lusubin natin ang Juda at takutin siya, lusubin natin siya at magluklok tayo ng hari doon, ang anak ni Tabeel.”
7Sinasabi ng Panginoong si Yahweh, “Hindi ito magaganap, hindi ito mangyayari,
8dahil ang kabisera ng Aram ay Damascus, at ang pinuno ng Damascus ay si Rezin. Sa loob naman ng animnapu't limang taon, ang Efraim ay magkakawatak-watak at hindi na muling magiging bayan.
9Ang kabisera ng Efraim ay Samaria, at ang pinuno ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung hindi kayo magpapakatatag, tiyak na hindi kayo mananatiling ligtas.”
2Ang pagiging matayog nito ay kay gandang pagmasdan, ang kagalakan ng buong mundo, ay ang Bundok ng Sion, sa mga dako ng hilaga, ang lungsod ng Haring dakila.
3Nagpakilala ang Diyos sa kaniyang mga palasyo bilang isang kublihan.
4Pero, tingnan niyo, ang mga hari ay pinulong ang kanilang mga sarili; sila ay dumaan nang magkakasama.
5Nakita nila ito, pagkatapos sila ay namangha, sila ay nasiraan ng loob at nagmamadaling lumayo.
6Pangangatog ang bumalot sa kanila doon, sakit gaya ng isang babaeng nanganganak.
7Sa pamamagitan ng hangin ng silangan sinira mo ang mga barko ng Tarsis.
8Gaya ng aming narinig, ay ganoon din ang aming nakita sa lungsod ni Yahweh ng mga hukbo, sa lungsod ng ating Diyos; itatatag ito ng Diyos magpakailanman. Selah
20At sinimulang sawayin ni Jesus ang mga lungsod kung saan nangyari ang karamihan sa mga makapangyarihan niyang gawa dahil sila ay hindi nagsisi.
21“Sa aba mo, Korazin! Sa aba mo, Bethsaida! Kung ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa inyo ay nangyari sa Tiro at Sidon, noon pa man nagsisi na sana sila sa pamamagitan ng sako at mga abo.
22Ngunit mas mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa sa inyo.
23Ikaw, Capernaum, sa tingin mo ba ay maitataas ka sa langit? Hindi, ikaw ay maibababa sa hades. Kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nananatili pa sana magpahanggang ngayon ang bayan na iyon.
24Ngunit sinasabi ko sa iyo na mas magiging madali pa para sa lupain ng Sodoma sa araw ng paghuhukom kaysa sa iyo.”