Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
10Dahil ang ulan at niyebe na bumabagsak mula sa langit at hindi na bumabalik doon maliban kung binababaran nila ang lupa at nagpapatubo at nagpapasibol at nagbibigay binhi sa maghahasik at tinapay sa mga kumakain,
11gaya rin ng aking salita na lumalabas sa aking bibig: hindi ito babalik sa akin nang walang kabuluhan, pero tutuparin nito ang aking nais, at magtatagumpay kung saan ko ito ipinadala.
10Tinutubigan mo ang mga bukirin nang masagana; inaayos mo ang mga taniman; ginagawa mong malambot ang mga ito sa mga patak ng ulan; pinagpapala mo ang mga tumutubo sa pagitan nito.
11Kinokoronahan mo ang taon ng iyong kabutihan; naghuhulog ng pataba sa lupa ang mga bakas ng iyong karwahe.
12Nahuhulog ang mga ito sa pastulan sa mga ilang, at ang mga kaburulan ay sinuotan ng sinturon ng kagalakan.
13Ang mga pastulan ay dinamitan ng mga kawan; ang mga lambak ay nababalutan ng butil; sumisigaw sila ng kagalakan, at sila ay umaawit.
18Sapagkat itinuturing ko na ang mga pagdurusa sa panahong ito ay hindi karapat-dapat na ihalintulad sa kaluwalhatian na maihahayag sa atin.
19Sapagkat ang nananabik na pag-asa ng mga nilikha ay naghihintay para sa paghahayag sa mga anak ng Diyos.
20Sapagkat napasailalim sa pagkawalang-saysay ang mga nilikha, hindi sa sarili nitong kalooban, kundi sa kaniya na siyang nagpasailalim nito. Ito ay dahil sa tiyak na kasiguraduhan
21na ang nilikha mismo ay maililigtas mula sa pagkaalipin hanggang sa pagkabulok at madadala ito sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos.
22Sapagkat alam natin na magkasamang dumadaing at naghihirap sa sakit ang buong nilikha hanggang ngayon.
23Hindi lamang iyan, ngunit maging tayo mismo, na nagtataglay ng mga unang bunga ng Espiritu—kahit tayo mismo ay dumadaing sa ating mga sarili, naghihintay para sa ating pagkakakupkop, ang pagkatubos ng ating katawan.
1Sa araw na iyon ay lumabas ng bahay si Jesus at umupo sa tabi ng dagat.
2May napakaraming bilang ng tao ang pumalibot sa kaniya kaya sumakay siya sa isang bangka at umupo doon. Ang lahat ng tao ay tumayo sa dalampasigan.
3At nagsabi si Jesus sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga. Kaniyang sinabi, “Masdan ito, isang manghahasik ang lumabas upang maghasik.
4Sa kaniyang paghahasik, nahulog ang ilang mga binhi sa tabi ng daan, dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito.
5Ang ibang mga binhi naman ay nahulog sa mabatong lupa kung saan kakaunti lamang ang lupa. Ang mga ito ay mabilis na tumubo sapagkat mababaw lamang ang lupa.
6Ngunit nang sumikat na ang araw, ang mga ito ay natuyo dahil wala itong mga ugat, at nalanta ang mga ito.
7Ang ibang mga binhi ay nahulog sa may mga matitinik na halaman. Lumaki ang mga halamang may tinik at sinakal ang mga ito.
8Ang ibang mga binhi ay nahulog sa mabuting lupa at ang mga ito ay namunga, ang iba ay tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tigtatatlumpu.
9Ang may taingang pandinig, ay makinig.”
10Dumating ang mga alagad at sinabi kay Jesus, “Bakit mo kinakausap ang mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga?”
11Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nabigyan kayo ng pribilehiyo ng pagkaunawa sa mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit sa kanila ay hindi naibigay.
12Dahil kung sinuman ang mayroon na ay higit pang mabibigyan at siya ay magkakaroon ng sagana. Ngunit ang sinuman na wala, kukunin sa kaniya maging ang tanging mayroon siya.
13Kaya kinakausap ko sila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat kahit na sila ay nakakakita, hindi sila tunay na nakakakita. At bagaman nakaririnig sila ay hindi naman sila tunay na nakaririnig, ni hindi sila makaunawa.
14Sa kanila natupad ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi, 'Habang pinakikinggan ay inyong maririnig, ngunit hindi ninyo talaga maintindihan; habang tinitingnan ay inyong nakikita, ngunit hindi ninyo talaga maunawaan.
15Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay naging mapurol, at hirap sila sa pakikinig, at ipinikit nila ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita sa kanilang mga mata, o makarinig sa kanilang mga tainga, o makaintindi sa kanilang mga puso, upang sila ay babalik muli at sila ay aking pagagalingin.'
16Ngunit pinagpala ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito ay nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito ay nakakarinig.
17Totoo itong sinasabi ko sa inyo na maraming mga propeta at mga taong matuwid ang ninais na makita ang mga bagay na inyong nakikita, ngunit hindi nila ito nakita. Ninais nila na marinig ang mga bagay na inyong mga naririnig, ngunit hindi nila ito napakinggan.
18Ngayon, makinig kayo sa talinghaga ng manghahasik.
19Kapag mapakinggan ng sinuman ang salita ng kaharian ngunit hindi ito nauunawaan, darating ang masama at nanakawin ang mga binhi na naihasik sa kaniyang puso. Ito ay ang binhi na naihasik sa tabi ng daan.
20Siya na naihasik sa mabatong lupa ay siyang nakakarinig sa salita at agad itong tinatanggap nang may galak.
21Gayunman wala siyang mga ugat at tumatagal lamang ng panandalian. At kung ang kapighatian at pag-uusig ay dumating dahil sa salita, siya ay agad nadadapa.
22Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga.
23Siya na naihasik sa mabuting lupa ay siyang nakarinig sa salita at nakaunawa dito. Siya ang tunay na namumunga at nagpapayabong nito; ang ilan ay namunga ng tig-iisandaan, ang iba ay tig-aanimnapu, at ang iba ay tig-tatatlumpu..”