Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Sa taon ng kamatayan ni Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang trono; siya ay mataas at nakaangat; at ang laylayan ng kaniyang kasuotan ay bumalot sa templo.
2Nasa taas niya ang mga serapin, bawat isa ay mayroong anim na pakpak, dalawa ang nakatakip sa kaniyang mukha, at dalawa ang nakatakip sa kaniyang mga paa, at ang dalawa ay ginagamit niya sa paglipad.
3Bawat isa ay nagsasabi sa isa't isa, “Banal, banal, banal si Yahweh na pinuno ng mga hukbo! Puno ng kaniyang kaluwalhatian ang buong mundo.”
4Nayanig ang mga pinto at mga pundasyon sa mga tinig ng mga nananawagan, at napuno ng usok ang bahay.
5Pagkatapos sinabi ko, “Kaawa-awa ako! Mapapahamak ako dahil ako ay isang taong marumi ang labi, at namumuhay kasama ng mga taong marurumi ang mga labi, dahil nakita ng aking mga mata ang Hari, si Yahweh, si Yahweh na pinuno ng mga hukbo!”
6Pagkatapos, isang serapin ang lumipad papalapit sa akin; mayroon siyang hawak na nagbabagang uling na kinuha niya gamit ang panipit mula sa altar.
7Idinampi niya ito sa aking bibig at sinabi, “Masdan mo, naidampi na ito sa iyong labi; ang iyong kasalanan ay nilinis at tinubos na.
8Narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabing, “Sino ang aking isusugo? Sino ang magpapahayag para sa atin? Pagkatapos sinabi ko, “Narito ako; ako ang iyong isugo.”
1Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag.
2Ang iyong trono ay naitayo mula noong unang panahon; ikaw ay mula sa magpakailanman.
5Ang iyong taos pusong mga kautusan ay tunay na mapagkakatiwalaan; ang iyong kabanalan ang nagpapalamuti ng iyong tahanan, Yahweh, magpakailanman.
24Ang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro, ni mas mataas ang lingkod sa kaniyang amo.
25Sapat na ang alagad ay maging katulad ng kaniyang guro, at ang lingkod na katulad ng kaniyang amo. Kung tinawag nilang Beelzebub ang amo ng bahay, gaano pa kaya nila ipapahiya ang buo niyang sambahayan!
26Samakatwid huwag ninyo silang katakutan, sapagkat walang lihim ang hindi nabubunyag, at walang natatago na hindi malalaman.
27Ang sinabi ko sa inyo sa kadiliman ay sabihin sa liwanag, at kung anong narinig ninyo ng mahina sa inyong tainga, ipahayag sa ibabaw ng mga bubungan.
28Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno.
29Hindi ba ang dalawang maya ay ibinenta sa isang baryang maliit ang halaga? Ngunit wala ni isa sa kanila ang nalaglag sa lupa na hindi nalalaman ng Ama.
30At kahit na ang mga buhok ng inyong ulo ay bilang lahat.
31Huwag kayong matakot. Mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.
32Samakatwid ang lahat na kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko din sa harap ng Ama na nasa langit.
33Ngunit ang magtanggi sa akin sa harap ng mga tao ay itatanggi ko din sa harap ng aking Ama na nasa langit.