Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
1Minahal ko noong binata pa si Israel, at tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.
2Lalo ko silang tinawag, lalo silang tumalikod palayo. Nag-alay sila sa mga Baal at nagsunog ng insenso sa mga diyus-diyosan.
3Gayunpaman ako ang nagturo kay Efraim na lumakad. Ako ang nag-angat sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga bisig, ngunit hindi nila alam na iniingatan ko sila.
4Pinangungunahan ko sila nang mga tali ng sangkatauhan, may mga tali ng pag-ibig. Katulad ako sa isang tao na nagpapagaan ng pamatok sa kanilang mga panga, at yumuko ako upang pakainin sila.
8Paano ba kita isusuko, Efraim? Paano ba kita ibibigay, Israel? Paano ba kita gagawing katulad sa Adma? Paano ba kita gagawing katulad sa Zeboim? Nagbago ang saloobin ng aking puso; naghahalo ang lahat ng aking habag.
9Hindi ko isakatuparan ang aking matinding galit; Hindi ko sisiraing muli ang Efraim. Sapagkat ako ay Diyos at hindi isang tao; Ako ang Banal sa kalagitnaan ninyo, at hindi ako darating sa matinding galit.
2Sa paningin ni Efraim at Benjamin at Manases, palakasin mo ang iyong kapangyarihan; lumapit ka at iligtas kami.
3O Diyos, panumbalikin mo kaming muli; pagliwanagin mo ang iyong mukha sa amin, at kami ay maliligtas.
15Ito ang ugat na itinanim ng iyong kanang kamay, ang usbong na pinalago mo
16Ito ay sinunog at pinutol; nawa mapuksa ang iyong mga kaaway dahil sa iyong pagsaway.
7At sa pagpunta ninyo, ipangaral ninyo at sabihing, 'Ang kaharian ng langit ay nalalapit na.'
8Pagalingin ninyo ang may sakit, buhayin ang patay, linisin ang mga ketongin, at palayasin ang mga demonyo. Tumanggap kayo nang walang bayad, ipamigay ninyo nang walang bayad.
9Huwag kayong magdala ng anumang ginto, pilak o tanso sa inyong mga pitaka.
10Huwag kayong magdala ng panglakbay na lalagyan, o dagdag na tunika, ni sandalyas, o di kaya'y tungkod, sapagkat nararapat sa manggagawa ang kaniyang pagkain.
11Anumang lungsod o nayon ang inyong mapuntahan, hanapin ninyo ang karapat-dapat at manatili kayo doon hanggang sa kayo ay aalis.
12Pagpasok ninyo sa bahay, batiin ninyo ang mga nandoon.
13Kung ang bahay ay karapat-dapat, pumaroon ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, hayaan ninyong bumalik ang inyong kapayapaan sa inyo.
14Sa mga hindi naman tumatanggap sa inyo o nakikinig sa inyong mga salita, kapag kayo ay umalis sa bahay o lungsod na iyon, pagpagin ninyo ang mga alikabok mula sa inyong mga paa.
15Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mas mapagtitiisan pa ang lupain ng Sodoma at Gomorra sa araw ng paghuhukom kaysa sa lungsod na iyon.