Ang mga pagbasa mula sa Kasulatan na itinalaga para sa Misa ngayong araw.
4Nagtalaga sila ng mga hari, ngunit hindi sa pamamagitan ko, gumawa sila ng mga prinsipe, ngunit hindi ko nalalaman. Sa pamamagitan ng kanilang mga pilak at ginto gumawa sila ng mga diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili, ngunit ito ay nangyari upang sila ay mapapahamak.”
5Sinabi ng propeta, “itinapon niya ang inyong guya, Samaria.” sinabi ni Yahweh, “Nagliliyab ang aking galit laban sa mga taong ito. Hanggang kailan sila mananatiling marumi?
6Sapagkat nagmula ang diyus-diyosang ito sa Israel; ginawa ito ng manggagawa; hindi ito Diyos! Dudurugin ng pira-piraso ang guya ng Samaria.
7Sapagkat itinanim ng mga tao ang hangin at umani ng ipu-ipo. Ang nakatayong trigo ay walang mga uhay; hindi ito makapagbibigay ng harina. Kung mahihinog man ito, uubusin ito ng mga dayuhan.
11Sapagkat nagparami ng mga altar ang Efraim na alayan para sa kasalanan, subalit naging mga altar ang mga ito para makagawa ng mga kasalanan.
12Maaari kong isulat ng sampung libong beses ang aking kautusan para sa kanila, ngunit titingnan lang nila ito tulad ng isang bagay na kakaiba sa kanila.
13Patungkol sa mga alay na mga handog sa akin, nag-alay sila ng karne at kinain ito, ngunit ako, si Yahweh, ay hindi tinatanggap ang mga ito. Ngayon alalahanin ko ang kanilang kasamaan at parurushan ang kanilang mga kasalanan. Babalik sila sa Egipto.
3Ang aming Diyos ay nasa langit; ginagawa niya ang kaniyang maibigan.
4Ang diyos-diyosan ng mga bansa' ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao.
5Silang mga diyos-diyosang ay may mga bibig, pero sila ay hindi nagsasalita; mayroon silang mga mata, pero hindi sila nakakakita;
6mayroong silang mga tainga, pero hindi sila nakakarinig; mayroong silang mga ilong, pero hindi sila nakakaamoy;
7Mayroon silang mga kamay, pero hindi sila nakakaramdam; mayroon silang mga paa, pero hindi sila nakakalakad; ni hindi nila magawang magsalita sa kanilang mga bibig.
8Silang mga gumawa sa kanila ay tulad nila, gaya ng lahat ng nagtitiwala sa kanila.
9O Israel, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.
10Ang tahanan ni Aaron, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.
32Habang papalayo ang dalawang lalaki, masdan ito, isang lalaking pipi na sinapian ng demonyo ang dinala kay Jesus.
33Nang mapalayas na ang demonyo, ang lalaking pipi ay nakapagsalita. Ang mga tao ay namangha at nagsabi, “Kailan man ay hindi pa ito nakita sa Israel!” Ngunit sinabi ng mga Pariseo,
34“Sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo, siya ay nakapagpapalayas ng mga demonyo.”
35Pumunta si Jesus sa lahat ng mga lungsod at mga nayon. Nagpatuloy siyang nagtuturo sa kanilang mga sinagoga, ipinangangaral ang mabuting balita ng kaharian, at pinapagaling niya ang lahat ng mga uri ng karamdaman at ang lahat ng uri ng sakit.
36Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila, dahil sila ay naguguluhan at pinanghihinaan ng loob. Para silang tupang walang pastol.
37Sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa.
38Kaya madaliin ninyong idalangin sa Panginoon ng pag-aani, upang makapagpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan.”